Mark Escueta and Jolina Magdangal Wedding
Image source: femalenetwork.com

Ang dating sikat na teenstar na si Jolina Magdangal ay nagki-pag isang dibdib sa drummer ng sikat na banda na Rivermaya na si Mark Escueta noong Nov. 21. It was a Christian wedding, at konti lamang ang imbitado dahil nais ng dalawa magkaroon ng privacy at solemnity ang kasal nila.

Hindi pinaalam ng dalawa sa publiko kung kailan at saan gaganapin ang kasal nila. Nalaman na lamang ng mga tao ang balita pagkatapos ng kasal.

Mrs. Jolina Escueta na siya, at mababanaaag sa mukha ng actress ang saya na nadarama niya. Isa daw sa mga linyang nasabi ni Jolina sa kanyang wedding vow ay “Ikaw ang pinakamagandang regalo ni God..” Oh, di ba? Nakakatouch!

Maraming mga artista na malapit sa kanya ang masaya para kay Jolina dahil nakatagpo na siya ng lalaki na para sa kanya.

Natatandaan natin na naudlot ang planong pagpapakasal niya sa dati niyang boyfriend. Kaya ngayon ang mga fans ni Jolens ay masayang masaya para sa kanya.

Congratulations sa bagong kasal!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here