Willie RevillameHindi na talaga naubusan ng kontrobersya si Willie Revillame. This time, Willie’s program, “Wowowillie,” sa TV5, was placed under probation for three months by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ito’y dahil sa sobrang buyangyang ang cleavage at igsi ng suot ni Charm na isa sa mga dancers noong April 16.

Bago magpatawag ang MTRCB ng meeting tungkol sa pangyayari, kumilos agad ng TV 5 business head na si Jay Montelibano. Naglabas siya ng mga instructions tungkol sa hustong pananamit ng mga dancers. Sinabihan din ang mga cameramen na mas maingat sila sa pagkuha ng shots sa mga dancers.

Dahil sa ang show ay aired na sa tanghali, dapat maging mas maingat sila Willie sa mga ipinapalabas nila. Hindi naman kasi talagang  wholesome entertainment ang naging dating ng kanilang mga dancer.

Sana hindi na uli malagay sa alanganin ang show ni Willie dahil ito’y nakapagbibigay ng saya sa mga tagapanood, lalong lalo sa mga senior citizens, kasama na dyan ang nanay ko. Be careful po kayo palagi.

[box type=”default” size=”large”] Charice has new haircut, accent [/box]

Marami ang nagulat sa bagong hairstyle ng sikat na international singer na si Charice Pempengco. Malaki ang naging transformation ng fashion style niya mula noong makilala siya sa America.

Ang itsura niya dati ay mahiyain, at ang buhok niya ay mahaba. Ngayon, short hair na siya, at dahil dito pinagduduhan tuloy ang kanyang gender.

Ang maganda kay Charice ay hindi niya pinapatulan ang mga bashers, deadma siya sa banga. As an artist, she just wants to express herself. She doesn’t care kung magugustuhan ito ng mga tao.

Ang importante ay nagagawa niya ang gusto niya at masaya siya. Kung baga, walang pakialamanan.

Malaki din ang pagbabago ng pagsasalita niya, may American accent na rin siya pag nag-English. Hindi na Filipino accent.

Maraming hindi trip sa bagong accent niya, pero marami din naman ang nakakaiintindi sa kanya. Kaya niya siguro binago ang accent niya ay para para makapasok siya sa international mainstream showbiz, at siya naman ay naging successful sa effort niyang ito.

Kaya Charice, tama yong deadmahan mo lang banga yang mga hindi trip sa style mo. Ang importante ay nagawa mong ipakilala mo ang Pilipinas sa larangan ng world music.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here