Willie Revillame
Willie Revillame

At first, puro speculation lang ang naririnig natin, pero ngayon kinumpirma na mismo ni Willie Revillame na hindi na niya ire-renew ang kontrata niya sa Channel 5 na magtatapos sa October 15, 2013.

Si Willie ay sumulat kay Channel 5 owner Manny V. Pangilinan upang ipaalam ang kanyang plano. Tinanggap naman na maluwag sa loob ang pamunuan ng TV5 ang balitang ito. Ginagalang nila ang decision ng sikat na host.

Hindi klaro ang dahilan kung bakit hindi na ire-renew ni Kuya Wil ang kontrata sa Kapatid station. Ang sinasabi niya lamang ay kailangan niya ng panahon para sa kanyang sarili. Maraming mga masugid niya tagasubaybay ang nalungkot at naiyak pa ng ipahayag ni Willie sa show niyang “Wowowillie” ang balitang ito. “That’s life,” sabi ni Kuya Wil.

Pero nagkaroon ng haka-haka na babalik diumano sa Kapamilya Network si Willie. Ngunit isang interview kay Ms. Charo Santos, presidente ng ABS-CBN, pinabulaan niya ang usap-usapan na ito. At walang naman nangyayaring usapan between the station and Willie. Dinagdag pa ni Ma’m Charo na masaya sila sa nangyayaring ngayon sa “It’s Showtime,” kaya walang katotohan ang bali-balita.

Maraming rin ang nagtataka sa decision ni Willie na hindi na niya ire-renew ng kontrata niya sa TV5.  Ano kaya ang tunay na dahilan? Alam naman natin na ang passion ni Willie ay ang magpasaya sa mga tao. Pero, bakit ganito ang nangyayari?

[box type=”default” size=”large”] ‘Party Pilipina,’ natsugi [/box]

Maraming nalungkot sa pagkakawala ng musical variety show ng GMA7 na “Party Pilipinas.” Last episode na ng show noong  May 12 (Manila time).

Hindi naman ikinagulat ng mga kritiko na mawala ang programa dahil hindi nila madaig ang ASAP, ang katapat na show sa ABS-CBN. Nagkaroon pa ng kaso ang “Party Pilipinas” sa MTRCB. Dahil sa kaso, pinatawan ng show ng six-month probation. Hindi nagusthan ng MTRCB ang isang sexy dance performance by Lovi Poe and Rocco Nacino noong January.

A little over three years lang nagtagal ang nasabing musical-variety show.

Maraming mga Kapamilya singers ang lumipat sa Kapuso tulad nila Rachel Ann Go, Mark Bautista at Christian Bautista para makasali sa “Party Pilipinas.”

Ang balita gagawa uli ng bagong programa, pero hindi malaman kung sino-sino ang masasama sa cast. Ang “Party Pilipinas” ay pinanguhan ng mga betereanong singers na sila Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jaya at Janno Gibbs.

Ang tanong, makakasama pa kaya sila sa bagong programa? Anong klaseng programa ang gagawin nila?

[box type=”default” size=”large”] Ai-Ai, isang dakilang babae [/box]

Maraming humanga sa courage na ipinakita ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas noong aminin niyang hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Jed Salang. Kailan lamang sila nagpakasal sa Las Vegas, halos dalawang buwan lang.

Ang naging hudyat sa decision niyang iwanan na niya ang kanyang asawa ay ng masaktan siya nito.

Mahirap sa isang celebrity na katulad ni Ai-Ai ang aminin ang ganitong maselan na bagay, lalo na’t bago lang silang mag-asawa. Tama lang ang ginawa ng Comedy Queen, tapusin hanggang ng maaga pa kaysa magdusa pa siya.

Maraming kaibigan ang nagpakita ng suporta sa kanya, kasama na dito si Pangulong PNoy na nagtext pa sa kanya. Hmmm…   PNoy at Ai-Ai? He he he… Parang bagay sila.

I salute you, Ai-Ai.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here