Willie Revillame

Iba talaga si Willie Revillame; one and only talaga ang ugali niya sa lahat ng mga celebrities sa Pilipinas.

Matapang, at kayang panindigan ang kanyang ginagawa. Kung ang iba ay todo iwas na ma-ugnay sa mga controversial issues tulad na lang ng mga sasakyan na ibinalik ng mga bishops, heto naman si controversial TV host na si Willie ay walang alinlangan na nag-donate ng service vehicles sa mga obispo na nasangkot na nasabing issue.

Pinadaan ng multi-millionaire host ang donation niya sa diocese ng tinagurian niyang “SUV Bishops.” Dahil dito, maipagpatuloy pa rin ng mga Obispo ang adhikain nilang maihatid sa malalayong lugar ang salita ng Diyos.

Nawa’y huwag ng lagyan ng malisya ng malilikot na pag-iisip ng mga tsismosa ang ginawang kawanggawa ni Willie. Bagkus, magpasalamat na lang sa pagiging matulungin niya.