Willie RevillameCompirmado ito: Tatapatan na ng TV 5 program ni Willie Revillame na “Wil Time Bigtime” ang show nila Tito, Vic & Joey na “Eat Bulaga,” ang long-running noontime show ng GMA 7.

Sa ngayon, ang show ni Willie is being aired at 5:30 p.m.- 8 p.m. Ito ang maiinit na tsismis ngayon: Bago in-announce  ni Willie ang plano niyang paglipat ng oras ng show niya, kinausap niya ang mga hari ng noontime show na sila Vic and Joey. Klinaro niyang wala siyang planong makipag-kumpitensya sa kanila. Pareho lamang ang pakay ng programa nila — ang tumulong sa mga kababayan natin.

Nakita naman ng dalawang Eat Bulaga hosts ang sensiridad ni Willie, kaya’t walang naging issue ukol dito.

Kaya’t mga tagasubaybay ng “Wil Time Bigtime,” ma-eenjoy  na ninyo sa primetime ang programang nagbibigay saya sa maraming tao, lalong lalo sa mga milyong-milyong senior citizens na fans ni Kuya Wil.

Good luck, Kuya Wil. Sana’y wala ng lalabas na issue pa sa paglipat ng time slot ng show mo.[box type=”default” size=”large”] Party-list ni Willie disqualified ng Comelec [/box]Meron party-list na “I Wil Serve” ang multi-millionaire host na si Willie Revillame. Ang party-list na ito ay nagfile ng application for candidacy para makatabo sa election sa May 2013. Subali’t na-disqualify ito ng Commission on Elections (Comelec).

Klinaro ng grupo na hindi kasama si Willie sa mga party-list nominees ng magiging congressman kung sakaling ito’y manalo.

Ang “I Will Serve” ay foundation na itinayo ng matulungin na host, kung kaya’t ito na rin ang ginamit na name ng party-list. Siguradong  mananalo ito kung na-aprubahan dahil sa dami ng fans ng host, na mostly senior citizens. Mas magiging marami sana ang matutulungan ng grupo kung ito’y makakasali sa Kongreso. Ang kaso na dis-approve.

Kaya, better luck next time na lang.[box type=”default” size=”large”] Regine’s concert, itinigil [/box]Samu’t sari ang naging reaksyon sa huling comeback concert ni Regine Velasquez. Pero hindi niya ito natapos, kasi bago pa man mag-concert masama na pakiramdam ng magaling na singer. Pero dahil sa kasabihan sa showbiz na “the show must go on,” itinuloy niya ang concert. Pero sumablay na siya sa mga una palang ng kanta niya.

Pinilit niyang kumanta hanggang sa hindi na talagang kakayanin tapusin ito. Buti na lamang nandoon ang mga mabubuting kaibigan niyang umalalay sa kanya, kasama dito si Lani Misalucha na sinasabayan siyang kumanta.

Si Vice Ganda ay na nagkaroon din ng impromptu stand-up performance para matapos lamang ang oras ng concert.

Dahil sa hiya, ang beteranong singer ay nangako na magkakaroon siya ng repeat concert, pero maging libre na ito sa mga fans na bumili ng ticket. Mga fans, dapat huwag ninyo itapon ang mga ticket ninyo.

Pero sa part ng kanyang avid fans, kuntento na naman daw sila sa abbreviated performance ng tinaguriang Asia’s Song Bird. Kaya’t para sa kanila, hindi na kailangan magkaroon pa ng repeat concert. Masaya na rin daw sila, kasi nakita nila muli sa entablado ang kanilang idolo.[box type=”default” size=”large”] Zoren, you’re the man! [/box]You’re the Man! Yan ngayon ang sinasabi ng mga nakapanood sa surprise wedding nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.

Maraming kinilig na kababaihan at pati na rin an mga bading sa wedding nila, pero maraming lalaki din ang kinabahan. Baka  hindi daw nila matapatan ang ginawa ni Zoren.

Naging pamantayan na ngayon ng mga babae ang ginawa ni Zoren. Maraming nag-wish na padamihin ang mga lalaki na katulad ni Zoren.

Big points kasi sa mga babae ang ginawa ng poging actor: All the preparations for the wedding siya ang gumawa, kaya siya’y naging punong abala bago ang kasal.

Usually, kasi, ang babae na ikakasal ang gumagawa lahat nito, at ang lalaki ay sunod-sunuran lang sa paghahanda sa wedding. Ang lalaki ay sumusunod lang sa magiging misis niya — at sa magiging byinan niya.

Dahil dito, Zoren scored milyon pogi points sa mga girls. Sana nga dumami ang mga lalaki na katulad mo, Zoren.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here