Image Source: entertainment.inquirer.net
Image Source: entertainment.inquirer.net
Talaga naman napakahusay sa pag-arte na tinaguriang natin “Star of All Seasons of Philipine Movies” na si Vilma Santos. Naparangalan siya muli na Best Actress sa una niyang pagganap sa isang indie film entitled “Ekstra” sa ginanap na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Sa film na ito, ekstra (extra in English) ang naging role ni Vilma na kasalukuyang gobernador ng Batangas. Tungkol ito sa buhay ng isang ekstra sa mga pelikula.

Siguradong nagtatalunan na naman sa saya ang mga Vilmanians sa bagong karangalan na nakuha ng kanilang idolo. Walang kakupas-kupas si Ate Vi.

Marami na rin malalaking pangalan sa showbiz ang gumaganap sa ganitong klaseng low-budgeted, short films. Sa mga pelikulang ito, naipapakita nila ang passion nila sa pag-arte. Kaya marami na ang mga manonood at tumatangkilik sa mga indie films. Kaya kailangan na patuloy nating supportahan ang mga pelikulang Filipino.
[box type=”default” size=”large”] ‘Di suportado ni Willie ang anak sa school [/box]
Mariing tinatanggihan ng multi-millionaire TV host na si Willie Revillame ang pagsuporta sa pag-aaral ng anak niyang si Meryll Soriano sa London. Kasi ang tingin niya ang kursong kinukuha ng anak niya na “Product Design Arts” sa isang school sa London ay hindi naman makakatulong sa mga negosyong itinayo niya.

Kamakailan lang, binuksan ni Willie ang kanyang Wil Tower Mall na malapit sa ABS CBN, ang dati niyang home studio.

Nais ng controversial host na ang kuning kurso ng anak ay related sa business, kasi iniisip niya na ang anak niya ang papalit sa kanya kung may masamang mangyari sa kanya. Paano ima-manage ni Meryll ang business nila kung wala siyang alam sa negosyo.

At sinasabi niya na wala naman ibang magmamana sa kanyang mga negosyo kundi ang mga anak niya, lalo na si Meryll na panganay. Inaasahan niyang tutulungan siya ng kanyang anak pag-aasikaso nito. Malayo na talaga ang narating ni Willie. Dahil sa busilak niyang puso, naabot niya ang pangarap niyang maging kinikilalang negosyante.
[box type=”default” size=”large”] Randy disappointed kay Claudine Barreto [/box]
“I’m so disappointed with Claudine.” Ito ang mga salitang binatawan ng veteran singer na si Randy Santigao nang hingian siya ng reakyon ukol sa pag-petisyon sa korte ni Claudine Barretto for a temporary protection order (TPO) laban kay Raymart Santiago na bunsong kapatid ni Randy at estranged husband ni Cludine.

Nais sana ng pamilyang Santiago na hindi na mag-comment ukol sa isyung ito. Pero dahil sa pagmamahal nila sa kanilang kapatid hindi niyang naiwasang magsalita sa paratang laban kay Raymart.

Nasabi niyang “abusive” si Raymart kaya napilitan si Randy na depensahan ang kanyang kapatid. Ginagamit ngayon ng kampo ni Claudine ang kaso ni Mon Tulfo (Remember the airport incident?) sa asawa niya para mapatunayan na kaya nitong manakit.

Naniniwala si Randy na hindi gawang saktan ng kanyang kapatid si Claudine. Mula ng umalis siya sa bahay nila ni Claudine, si Raymart ay nasa care ng kanyang ina at kung misan kay Rowell Santiago o kay Randy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here