Vice Ganda and Jessica Soho
Vice Ganda and Jessica Soho
Hindi nagustuhan ng batikang mamahayag ng GMA7 na si Miss Jessica Soho na ginawa siyang joke sa isang skit
sa concert sa ni Vice Ganda na “IVice Ganda Mo Ko” sa Araneta Coliseum noong May 17.

Maraming kasama ni Jessica sa pamamahayag, hindi lamang sa GMA 7 kundi pati ang mga mamahayag ng ABS-CBN, ang bumatikos sa pamamaraan ng pagpapatawa ni Vice Ganda sa kayang concert. Ginawa niya kasi isang halimbawa ang respetadong mamahayag na kunwari kung gagawa ng isang pelikula at may rape scene, ang biktima ay si Miss Soho.

Hindi nakapanood ng concert ang kilalang broadcaster, pero nalaman niya ang joke sa kanya sa mga nakapanood ng concert. Kaagad-agad niyang inihayag na hindi niya nagustuhan ito.

Naging partikular si Miss Soho sa salitang “rape” at “rape victim” na ginamit ng komedyante . Aniya, hindi dapat ginagawang kakatawanan ang salitang ”rape” sapagkat hindi madali sa isang rape victim ang pinagdadaan niya. Kaya dapat hindi ginagamit ito para lamang makapagbigay ng katatawanan sa mga tao.

Naging mabilis naman ang ginawang tugon ni Vice Ganda ukol sa isyung ito. Mismo sa programa nilang “Showtime” sa ABS-CBN humingi siya ng dispensa sa ano man nasabi niyang hindi nagustuhan ng mga tao.

Humingi siya ng sorry sa mga taong nasaktan niya at sa huli nangangako siya magiging responsable at magiging ma-ingat siya sa gagawin niyang pagpapatawa.

Tinanggap nama agad ni Miss Soho ang ginawang apology ng komedyante at inihayag ang acceptance niya ng dispensa sa pamamagitan ng television. Kaya, madaling natapos ang isyung ito.

[box type=”default” size=”large”] ‘My Husband’s Lover’ pumapalo sa rating [/box]Usap-usapan ngayon sa social network ang bagong teleserye ng GMA7 na “My Husband’s Lover.” May isa pang nag-comment na mas maganda pa raw ang kwento nito sa “No Other Womana” at “A Secret Affair.”

My Husband LoverAng teleserye ay pinangungunahan ng mga naggwagwapuhan actor na sila Dennis Trillo, Victor Basa, Tom Rodriguez at kasama nila si Carla Abellana.

Ang storya ay umiikot sa relasyon ng mga gays o bading. Kung mapapanood ninyo hindi malaswa ang pagganap ng mga artista sa teleserye. Mas nangingibaw ang galing nilang sa pagganap sa kaniya-kaniyang role at ang makabuluhang storya.

Hindi lang sa mga becky patok na patok ang nasabing teleserye, kundi pati na rin ang mga kababaihan dahil
sa mga hunk actors ang mga bida.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here