Claudine Barreto
Claudine Barreto – Image source: Internet

Heto ang nakapagtatakang balita: Ilang linggo pagkaraan ng malaking away nila, magkakasama na sa TV5 ang mga Tulfo brothers (Raffy, Erwin at Ben) at si Claudine Baretto.

Ang mga Tulfo brothers ay may public-service program dubbed “T3” sa nasabing station. Sa katunayan nagamit nilang magkakapatid ang programang ito noong panahon na may eksenang nangyari sa airport na kung saan nabugbog ang Kuya Ramon nila ng grupo ni Raymart Santiago na asawa ni Claudine.

Kilalang-kilala ang mga Tulfo brothers sa pagbibitaw ng mga ma-aanghang na salita lalo’t kung feeling nila may naaapi. Kung kaya’t nang mapanood nila ang video na binubugbog ang kuya nila ng grupo nila Raymart na walang kalaban- laban, hindi nila napigilan nagmura at nagbanta sa grupo ni Raymart. At dahil sa mga itinapon nilang matinding salita, sinuspinde ng MTRCB ang programa nilang “T3.”

Si Claudine naman ay gumagawa ngayon ng teleserye sa TV5. Tapos na kasi ang kontrata niya sa GMA7, kung kaya’t lumipat na siya sa TV5.

Marami mga intrimitida ang nag-aabang sa pagkrukrus ng landas ng dalawang grupo. Maliit lamang ang station ng TV5, kung kaya’t malamang silang  magkasalubong sa mga darating na araw.

Pag nagkasalubong sila, ano kaya ang mangyayari? Abangan… [box type=”default” size=”large”] Aga, pasok na rin sa pulitika [/box]Ikinagulat ko ang balita tungkol sa pagpasok ni Aga Muhlach sa pulitika. Kasi naalala ko yung interview sa kanya a few months ago. Siya noon ay nagsabi na hindi niya papasukin ang pulitika dahil ang profession niya ay pag-aartista.

Kung kaya’t nagtaka ako kung ano ang nag-udyok sa kanya na pasukin ang politics. Ayon sa mga interview sa kanya, nais ng multi-awarded actor na lalong lumawak ang pagtulong niya sa tao, particularly sa mga kababayan niya sa Camarines Sur.  Tatakbong bilang congressman si Aga sa 4th district ng nasabing probinsya, at  siya’y lalaban sa ilalim ng bandila ng Liberal Party, na partido ni Pangulong P-Noy. Tubong Camarines Sur ang angkan nila Aga, at mayroon na siyang pinatayong bahay doon.

Sa tuwing mayroon siyang break sa pag-aartista, umuuwi siya sa Camarines Sur  kasama ang kanyang pamilya.

Ngunit nangako sa mga fans na hindi niya tuluyan iiwan ang showbiz. Magiging priority niya ng pagiging public servant kung papalarin siya.

Good luck, at sana hindi ka mahawaan ng mga plastic na pulitiko.[box type=”default” size=”large”] FPJ, hinirang na National Artist [/box]Masayang masaya ang maybahay ni Fernando Poe. Jr. na si Susan Roces na tanggapin niya ang pinakamataas na parangal para sa isang artista ang karangalang National Artist Medallion and Citation mula sa Aquino administration.

Actually, hinirang na siyang National Artist noong panahon ng Arroyo administration, subalit dinedma sa banga ni Susan Roces ang parangal.

Matapang niyang hinahayag noon na hindi legitimate president si GMA, kung kaya’t hindi niya maaaring tanggapin ang parangal.

Kung matatandaan ninyo si FPJ ang kalaban ni GMA sa pagkapresidente noong 2004 election. May mga sinasabing nangyaring diumanoý dayaan noong election na yon, kaya daw nanalo si GMA.

Sa pagkakataon ito, proud na proud si Susan noong tinanggapin niya ang parangal para kay FPJ dahil ito’y nagpapatunay na mayroon iniwan legacy sa bayan ang tinaguriang “The King”ng pelikulang Pilipino.