Vic Sotto
Image Source: entertainment.inquirer.net
Nakakalula ang naging resulta ng early sales ng ticket sa mga sinehan sa naganap ng Metro Manila Film Fest (MMFF) na nagsimula sa Araw ng Pasko, Dec. 25, 2013.

As of Jan. 6, 2014 or in just 12 days, umabot sa P934 million ang ticket sales ng mga pelikula na sumali sa MMFF. This breaks previous high records.

Ayon sa report ng MMFF organizers, ang nangungunang pelikula sa takilya ay ang pang-batang comedy film na “My Little Bossings” na pinagbidahan ni Vic “Bossing” Sotto, kasama ang pinakasikat na chikiting ngayon na sina Ryza Mae Dizon, ang tinaguriang Child Wonder, at ang poging anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino-Yap.

Sumunod ay isa pang comedy film na “Girl, Boy, Bakla,Tomboy” na pelikula ni Vice Ganda.

Pangatlo ay ang “Pagpag,” isang horror film na pinagbidahan ng sikat na sikat ng love team ngayon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pang-apat ay ang “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” ng multi-awarded actress Eugene Domingo.

Ang iba pang mga pelikulang kasama sa MMFF ay ang “10,000 Hours” starring Robin Padilla, “Boy Golden: Shoot-to-Kill” starring Laguna Governor ER Ejercito at KC Concepcion, “Pedro Calungsod: Batang Martir” at “Kaleidoscope World.”

Pero ayon sa report, kaunti na lang ang lamang sa ticket sales ang “My Little Bossings”  sa “Girl, Boy, Bakla, Tomboy.”

Wala pang nilalabas na official figures ang MMFF sa bawat pelikula sapagkat hindi pa tapos ipalabas sa sinehan ang mga ito.[box type=”default” size=”large”] Kris Aquino Kapamilya pa rin [/box]Sa pagpasok ng 2014, nagulantang ang showbiz world ang diumano’y paglipat ng tinaguriang Queen of all Media na si Kris Aquino sa ibang station. Noong October 2013 pa pala nagtapos ang kontrata ng multi-awarded actress sa ABS-CBN at hanggang sa matapos ng taon ay hindi pa niya ito nire-renew.

Kristina Bernadette Cojuangco Aquino
Image Source: interaksyon.com
May napabalita kamakailan na diumano’y nag-offer ang mga may-ari ng TV5 at GMA7 sa bankable actress para lumipat sa kanilang station. Nakakalula daw ang offer sa kanya at bibigyan pa daw siya ng mataas na position.

Pero noong January 6, 2014, tinuldukan na mismo ni Kris ang issue nang i-announce niya sa kanyang instagram account na nag-renew na siya ng kontrata sa ABS-CBN. Pinabulaan rin niya ang balita na nakausap niya ang mga executives ng GMA7, pero inamin niya na nagkaroon siya ng dalawang meeting last year sa may-ari ng TV5 na si Manny V. Pangilinan.

Subalit sa bandang huli, ang Kapamilya network pa rin ang naging matimbang sa puso ni Kris dahil sa 18 years na ang pananatili niya sa station. At kinikilala niya na sa ABS-CBN nag-evolve ng career niya from host to actress, from top endorser to producer. Kaya nanatili siya Kapamilya.

Pagkatapos ng announcement niya tungkol sa issue na ito, maraming fans ng actress-host-producer ang nakahinga ng maluwag sapagkat nakasanayan na nilang panoorin ang kanilang idol sa Kapamilya network.’ Ika nga ng mga supporters ng actress, parang may kulang sa ABS-CBN kung walang Kris Aquino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here