Image Source: iloveruffag.com
Image Source: iloveruffag.com

Heto ngayon ang maugong na tsismis sa apat na sulok ng showbiz: Ang diumano’y pagbabalik ng beauty queen-actress-TV host na si Ruffa Gutierrez sa Kapamilya network, ang kanyang dating home studio.

Matatandaan natin na nag-over the bakod ang beauty queen from ABS-CBN to TV5 almost three years ago.  Sa ngayon, medyo nakatengga ang actress dahil noong Enero pa natapos ang huling teleserye niya sa Kapatid Network, at hindi pa rin ito nasundan.

At ngayon March matatapos na ang kontrata niya with TV5, kung kaya’t pinaguusap-usapan pa kung ire-renew niya pa uli ang kontrata niya with Channel 5.

Pag-tinatanong si Ruffa kung totoong babalik na siya sa ABS-CBN, wala siyang masabing malinaw na sagot.

Ang sabi lang niya, under negotiations pa ang lahat. She will announce in a couple of weeks ang final decision niya sa bagay na ito. Pero ang balita ay gagawa siya ng pelikula this year.

Kaya, antay antay muna tayo mga ateng.[box type=”default” size=”large”] Willie, nagtanggal ng hosts sa kanyang show [/box]Heto pa ang isa pang tsismis ng mga tindera sa palengke: Ipinahayag sa national TV ng multi-millionaire host na si Willie Revillame na tinanggal niya ang dalawang hosts niyang sila Ethel Booba at Ate Gay sa show niyang “Wowowillie.”

Ikinakataka ng mga tsismosa kung anong nangyari at kung anong naging dahilan ni Kuya Wil sa ganoong decision niya.

Ang dahilan ay nanggaling din mismo sa bibig ni Willie. Sinigawan siya ng dalawa sa back stage dahil sa pagtatalo ng dalawang hosts sa isang segment ng nasabing show.

At syempre, ano inaasahan natin magiging reaksyon ni Kuya Wil? Kahit sinong amo hindi ito ikakatutuwa  at ayaw palagpasin ang inasal ng dalawang comediennes na walang respeto sa kanya.

Kung kaya’t tsinugi oras mismo ang dalawa. Well, tama naman si Kuya Wil sa ginawa niya kasi nga naman amo mo sisigawan mo. Magagalit talaga sa iyo.

Masyadong carried away siguro ang dalawa comediennes, kaya nakalimutan nila na si Kuya Wil ang kanilang amo. Kaya ang aral ay ito: Kalimutan mo na ang biyenan mo, huwag lang ang amo mo.[box type=”default” size=”large”] Angel, waging Best Actress [/box]Sa mga tagahanga ni Angel Locsin, magsaya na kayo. Sa wakas, nakuha na rin ang multi-talented actress ng isang prestiyosong award na PMPC — Best Actress in Star Awards for Movies — para sa pelikula niyang “One More Try” na ipinalabas sa Metro Manila Film Festival noong December 2012.

Pero ikinatakot din ito ng actress sapagkat tinaob niya ang mga Hall of Famers na si Nora Aunor at Vilma Santos.  Maraming Noranians at Vilmanians sa nasabing Awards Night kung kaya’t kinabahan si Angel baka daw may mag-boo sa kanya.

Alam naman natin kung gaano ka-loyal ang mga fans ng dalawang  beteranag aktres. Pero tinanggap naman ng mga Noranians at Vilmanians ng masaya ang announcement na siya ang pinakamahusay na aktres.

Wow! Congrats, Angel. Sana magkaroon ka pa ng maraming pelikula.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here