Senator Ramon Revilla Jr
Image Source: ph.news.yahoo.com
Parang script ng isang pelikula ang ginawang privilege speech sa Senado ng actor-Senator Bong Revilla. Ito ang naging remark ng mga maraming young professionals sa recent speech ng senador na taga Cavite.

Ang ibig sabihin nila ay ito: Ang nilalaman ng speech ay isang kwento na hindi nangyayari o nangyari sa totoong buhay. Kumbaga, it was for entertainment purposes only.

Gumamit pa siya ng mga salita mula sa pelikula na tulad ng “Anak ng teteng!”

Pero mariin niyang pinabulaan ang akusasyon sa kanya kaugnay sa P10-billion pork barrel scam.

Nagbigay pa siya ng mga alias sa ilang tao katulad ng whistleblower na si Benhur Luy na tinawag niyang “Jukebox” at “Boy Pirma.” Tinawag naman niya si DILG Secretary Mar Roxas na “Boy Pickup” dahil si Roxas daw ang nagdala sa kanya sa Malacanang para kausapin siya ni President Aquino tungkol sa impeachment trial ng dating Chief Justice na si Renato Corona. Hiniling daw ng Pangulo ang boto niya sa pagpapatalsik sa dating chief justice.

Kung ano-anong hindi kaaya-ayang salita ang ginamit niya sa pag-deiliver ng kanyang privilege speech sa Senado, ang ikawalang pinakamataas na antas ng gobyerno. Parang balita sa isang showbiz-oriented talk show na nagsisiwalat ng mga secret ng mga  artista.

People saw it so cheap that as if he was not acting like an honorable senator but was acting in the movie. Kaya pagkatapos ng speech niya, sabi mga tao, “the best actor award goes to…”

‘Di naman natin kailangan ng mga leaders na matatalino; ang kailangan ng bansa natin ay maga leaders who can inspire the people to be good citizens. Ayon lang po.[box type=”default” size=”large”] Vice Ganda’s film top grosser sa MMFF [/box]Napakapalad talaga ni Vice Ganda. Ang comedy film niyang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ang naging top grosser sa huling Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap noong December 2013. Naunahan pa nito ang pelikula ni Ryzza Mae at Bimby na “My Little Bossings” na co-produced ng kanyang malapit na kaibigan na si Kris Aquino at ni Vic “Bossing” Sotto.

READ:  Robin finally accepts his sibling BB as gay

At dahil dito, nagkaaroon pa diumano ng tampuhan ang dalawang magkaibigan na sina Vice at Kris. Umabot ng P427 million ang gross ticket sales ang pelikula ni Vice, at ito ang hinirang na “All-Time Highest Grossing Pinoy Film.”

Ang pelikula din ni Vice ang nag-break ng box-office record sa kanyang pelikula “Sisterakas” na umabot sa P393 million ang ticket sales noong  MMFF in December 2012.

Mahusay na director si Wenn Deramas na siya ang nag-direk sa parehong nasabing box-office movies.

Congratulations Vice Ganda, Direk Wenn Deramas at Star Cinema.