Sarangani Congressman Elect Emanuel Pacquiao

Walang epek ang pagiging billionaire at pound-for-pound boxing king sa buong mundo si Congressman Manny Pacquiao sa Manila Polo Club, ang samahan ng mayayaman at maimpluwensiya sa lipunan. Tumanggi ito sa application ng boxer na maging miyembro ng naturang club.

Dedma sila sa banga (meaning walang pakialam) maski si Manny ay mayari ng mansion nagkakahalagang halos 400 million pesos sa Forbes Park.

Marami ang nag-taasan ng kilay at nagtanong kung anong dahilan ng mga elitistang ito sa pag-reject sa application ni Pacquiao. Noong unang marinig natin ang dahilan nilang “to preserve a lifestyle” ang tingin natin ay parang may discrimination.

Ito ba’y dahil sa boxing nakuha ni Pacquiao ang yaman niya at hindi katulad ng mga miyembro nito na galing sa mga prestigious business. Ngunit later ang paliwanag ay ito: “It’s small club for a small village.”

Mahigpit pala ang naturang club ukol sa pagdadala ng bodyguards, at batid naman ng lahat ang Pambansang Kamao ay laging may kasamang malaking entourage.

Sa katunayan, tinanggihan din ng club ang isang dating presidente ng Pilipinas at isang mayor na maging honorary member para sa seguridad ng mga miyembro at proteksyon sa pagiging exclusive nito.

Kung kaya’t hindi sapat ng pagkakaroon ng expensive house sa Forbes Park ni billionaire boxing champ para maging miyembro ng elitistang grupo.

Kung ako si Pacquiao, magtayo nalang ng sarili kong club, at tatawagin kong Manila Pacquiao Club. He he he!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here