Vice GandaHello, mga ka-chika!

Nanood kami ng taping ng “Gandang Gabi, Vice” noong January 13. Tumagal ang taping ng more than four hours, pero hindi kami nakaramdam ng pagka-inip.

Bagkus after ng taping masaya ang pakiramdam namin, kasi talagang punong-puno ng katatawanan.

Kasama ko ang kuya kong balikbayan na si Percy Antonio, ang wife niyang si Ate Riza, na mga TFC subscribers sa Michigan. Kasama ko rin ang Nanay ko at apat kong kaibigan.

Salamat sa kaibigan kong si Bench na siya ang nagbigay ng tickets para mapanood namin ng taping.

Sabi nga ng Nanay ko, hindi daw niya malilimutan ang araw na ‘yun.

Humanga kami sa galing sa pagpapatawa ni Vice. Walang script ‘yun, at talagang witty si Vice. Impromptu lahat. Ang galing, tunay na talent talaga.

May guidelines lang siya on what to ask sa guest niya, at sa mga questions, doon na siya huhugot ng mga pagpapatawa.

I observed na he treats his guest like he is his close friend. Pero, he is aware of his limitations, kaya swak na swak ang show. His guest does not feel offended sa mga jokes niya. It’s all fun lang talaga.

Pero take note. Bago magsimula ang taping, serious siya noong dumating sa set. Very professional siya when it comes to his craft. Pero noong isalang na siya, tuloy-tuloy ang pagpapatawa niya. Na-starstruck ako when he entered the studio: He is beautiful in person.

Gusto rin bigyan ng credit si Neggy, yung sidekick si Vice Ganda. Kasi while we were waiting for the taping to start and during breaks, he took center stage to entertain the guests. Magaling din siya.

In our four-hour stay in the studio, talagang puro tawa lang kami, kaya after the taping sakit ng panga namin at saka lang kami nakaramdam ng gutom.

Saludo kami sa iyo Vice Ganda. Just continue refining your craft para marami ka pang mapasayang tao. May God bless you.[box type=”default” size=”large”] ‘Wowowillie’ sa noontime na [/box]Engrande ang ginawang unang episode ng bagong show ni Willie Revillame na “Wowowillie” sa TV5 na ginanap noong Jan. 26 sa Delta Theater sa Quezon City. At ito ay sa bagong timeslot —  11:30 a.m. to 2:30 p.m – same time slot ng “Eat Bulaga” ng GMA7 at “Showtime” ng ABS-CBN.

Ang mga co-hosts niya ay yong mga dati – sila Mariel Rodriguez, Grace Lee, Camille Villar at Lovely Abella. Nadagdag sila Ethel Booba, Arci Muñoz at Ava.

Maraming mga bagong games na high-tech, at malalaki ang mga prizes. Pero pang-masa pa rin ang approach.

Malaking hakbang ang ginawang paglipat ng timeslot ng TV5 sa show ni Willie. Hangad kasi ng management na maging profitable na ang network, meaning nais nila tumaas ang viewership para mas marami ang mag-place ng commercials.

Kaya sumabay na sila sa dalawang malalakas na noontime shows. Mataas ang kumpiyansa ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan sa ginawang hakbang para sa show ni Willie. Siya’y naniniwala na makakatulong ito para kumita na ang network.

Maiba ako, pero related pa rin kay Willie.

Nagkita pala si P-Noy (President Aquino) at Willie sa isang mall sa Ortigas. Naka-shorts at naka-tsinelas lang ang popular na host. Napansin niya na mayron mga presidential guards doon sa mall, kaya alam niya na nandoon ang Presidente.

It turned out nasa coffee shop pala ang Pangulo. Noong puntahan niya ito, kinamayan siya at sinabing ipagpatuloy ang ginagawang niyang pagtulong sa mga kababayan natin.

Para daw nahiya si Willie dahil bukod sa naka-shorts at tsinelas lang siya, hindi niya sinuportahan si P-Noy noong nakaraan na presidential election. Natatandahan natin na sinuportahan niya ang presidential campaign ni Manny Villar.

Kaya natuwa siya sa gesture ng Pangulo. Noon pilot episode ng show niya, nag-suot siya ng damit na yellow-orange at nagpasalamat sa Pangulo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here