Ara Mina and Cristine Reyes
Ara Mina photo by Eric Gozar, Cristine Reyes - Internet

Isa sa mga nakakalokang usapan ngayon ng ating mga ka-chikang tsimosa sa kanto ay tungkol sa away ng magkapatid na si  Ara Mina at Cristine Reyes.

Naala-ala tuloy ng mga fans na silang dalawa ay nagkaroon dati ng pelikula na ang title ay “Magkapatid.” Dapat magkaroon ngayon ng sequel ng pelikula nila, at “Magkaaway” ang gawin title.

Nagsampa noong April 18 ng kasong libel at grave coercion si Ara laban kay si Cristine sa Quezon City Regional Trial Court.

Habang ini-interview, si Ara ay iyak ng iyak, at na mababakas mong mahirap sa kanyang kalooban ang ginagawa niyang pagsakdal sa kanyang nakakabatang kapatid.

Pero kailangan niyang gawin ito para daw matauhan at mabigyan ng  aral si Cristine. Obvious na sa ginawang hakbang ni Ara talagang wala ng respeto si Cristine sa kanyang older sister.

Kung hindi kayang ibigay ni Cristine ng due respect kay Ara, kailangan gawin sa legal na paraan para matutong magbigay galang si Cristine sa kanyang ate.

Sobra ang heartache na naramdaman ni Ara sa ginagawang pagkakalat ni Cristine ng mga mga hindi kanais-nais na information tungkol sa kanya. Alam ni Ara na sa pagsampa niya ng kaso laban sa kanyang sister ay masasaktan ang kanilang butihing ina. Dahil pakiusap ng kanilang mother na intindihin at pasensya na lamang niya ang kanyang nakakabatang kapatid.

Ngunit sinuway niya ang ina nila dahil hindi na niyang kayang tanggapin ang mga pinag-gagawa sa kanya ni Cristine. At sinabi niya na dati ay lagi na lang siyang nagpapasensya dahil ate siya. Sinasabi niya ito habang dumadaloy ang luha sa kanyang mukha.

Ayon sa kanya, nagsimula ang gusot sa binili nilang townhouse. Nagkaroon daw sila ng sigalot sa bayaran. Pero hindi na niya kinaklaro ang isyu na ito.

Noon daw nakaraan Holy Week, si Cristine diumano’y nagpadala sa kanyang ate ng mga text messages na naglalaman ng katakot-takot na pagmumura sa kanya. Siya daw ay binansagan ng napakalaswang mga salita na nakakasira sa kanyang puri.

At dinawait pa ang BF ni Ara na mayor sa isang bayan sa Bulacan.

Kaya naman ito’y talagang ikinasakit ng  kalooban ni Ara.

Nakakalungkot pag nakakarinig tayong ng mga balita tungkol sa magkakapamilya na hindi nagkakasundo at nagpapahiyaan sa publiko. Nasa tugatog pa naman ngayon ng katanyagan si Cristine.

Maari makaapekto ito sa kanya career pag-hindi ito maayos sa madaling panahon. Gumagawa ngayon ng effort ang Viva Artist na mag-reconcile ang magkapatid. Ang Viva ang humahawak sa career ng dalawang sexy actress.

Wish natin na sana magkasundo sila at bumalik muli ang kanilang pagmamahalan bilang magkakapatid.