Lorna TolentinoBumalik sa Kapuso network ang batikang actress na si Lorna Tolentino.

Matatandaan natin na from the Kapamilya network nagover the bakod siya sa Kapatid network. Matapos niyang gawin ang mga teleserye niya sa TV5, nagpasya sila ng manager niya na si Lolit Solis na bumalik sa GMA 7 dahil may mga naka-line up na project para sa multi-talented actress.

Naging maganda naman ang takbo ng pagpapaalam niya sa network owned by tycoon Manny Pangilinan.Ika niya, “don’t burn the bridges.”

Pumirma ng two-year contract sa GMA7 si Lorna. Well, pagdating naman sa mga beteranong artista, walang issue kung papalit-palit nila ng network dahil na rin siguro sa respetong binibigay sa kanila ng industriya.

Tila nakakahiyang lagyan ng malisya ang kanilang mga desisyon dahil sa ipinakikita nilang galing sa pag-arte sa matagal ng panahon.[box type=”default” size=”large”] Showbiz and politics [/box]Hindi na yatang maihihiwalay ang showiz sa politics sa Pilipinas. Hindi ko alam kung tama ba ang nangyayari sa pulitika. Marami na naman mga celebrities ang sumabak sa pulitika. Sa susunod na column ko, babanggitin ko ang mga artista or celebrities na tumatakbo sa susunod na halalan.

Sa opinion ko, wala naman masama ang nais gumawa ng public service sa atin bayan. No question sa akin iyun, subalit ang tanong ko bakit napakadaming mga showbiz people ang nagkakaroon ng interes sa politics.

Sa tingin ko, hindi madaling gawin ang tunay na pagsisilbi sa bayan. Ang daming babatikos sa iyo maski wala kang ginagawang mali. Pilit na nagkakaroon ng issue laban sa iyo.

Kailangan matibay ang loob mo sa larangan ng pulitika sapagkat napakaraming mga tukso, lalong-lalo na sa pera. Marami kang matatanggap na “indecent proposal” at masusubukan ang paniniwala mo sa mali at tama.

READ:  Bong, Lani, Bistek help ill newshen

Sa kabilang banda, masarap maging pulitiko kung ang pakay mo ay tunay na pagtulong sa bayan. At masarap sa pakiramdam ay ang attention at respeto na binibigay sa iyo ng mga tao.

Kung hihimayan mo, pareho talaga ang scenario ng showbiz at politics: Parehong matsismis, mapera at parehong nagdudulot ng saya sa atin mga kakababayan.

Sa politics, masaya kung pupurihin ka ng mga tao dahil sa mga kahangahangang proyekto mo. Tunay ang respeto sa iyo hindi dahil nagbigyan mo sila ng biyaya mula sa kaban ng bayan.

Ma-tsismis din dahil sa ano mang gawin mo — maganda man o pangit — gagawan pa rin ng mga kwento.

Ang attention na ibinibigay ay masarap din yan sa pakiramdam. Pagartista ka kasi nasanay ka sa attention na binibigay sa iyo ng publiko. Pag biglang nawala ang showbiz career mo, wala na rin ang attention sa iyo.

Sa politics ba nila nakita ang sinasabing attention? Hindi ko na sinasabi na mali ito, subalit magiging pangit lang sa paningin ng mga tao kung hindi mo magawa ng tama ang trabaho mo bilang pulitiko or public servant.

Well, whatever is the reason why these celebrities enter politics, sana hindi sila kainin ng sistema at sana tatagan nila ang loob nila para maiwasan nila ang mga tukso sa kanila.