Sharon Cuneta on TV5
Image source: kapatidtv.com

Heto ang hindi niyo kakayanin balita, at dahil sa balitang ito maraming tsismosa ang parang naloka.

Ang nakakagulantang na balita: Pumirma na ng kontrata si Megastar Sharon Cuneta sa TV5, at ang contract ay tatagal ng limang taon. Kaya, it’s now official: Isa na siyang “Kapatid,” at hindi na siya “Kapamilya.”

Naganap ang pirmahan noong Nov. 22, 2011. Ang mga naka-linya niyang projects ay kabilang ng isang reality show, isang teleserye at isang pelikula.

At ang icing on the cake: Aabot diumano’y sa isang bilyon piso ang talent fee niya for five years. Oh, di ba? Heto na daw ang pinakamalaking talent fee na naibigay ng Singko sa isang artista.

Ngayon, ang bulong-bulongang ay kung anong dahilan ng paglisan ng Megastar sa Dos. Maraming makakating dila ang nagsasabing hindi kasi diumano’y nabigyan ng magandang proyekto si Mega sa Kapamilya network.

Ang huling show ni Sharon sa ABS-CBN ay yong “Star Power: The Sharon’s Search for the Next Female Super Popstar” kung saan nanalo ang sikat na sikat na singer ngayon na si Angeline Quinto whose singing style ay nakakapareho sa style ni Regine Velasquez.

Nakakalungkot ang balitang ito sa mga Pinoy sa US, kasi hindi na nila mapapanood si Sharon sa TFC. Siya pa naman ay idol ng maraming Pinoy.

At isa sa mga tanong ngayon: Susunod na rin ba ang anak niyang si KC sa TV5?  Abangan…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here