Hiwalayan blues sa showbiz
Image Source: abs-cbnnews.com
Hello mga readers! Nakakaloka ang buwang ng Oktubre. Puro hiwalayan blues ng mga celebrity couples ang headline sa showbiz.

Unang napabalita na naghiwalay ay sina Derek Ramsay at Cristine Reyes na hindi man lang tumagal ng isang buwan ang samahan nila. Nakakaloka! Kakabalita lang na mag-syota, biglang hiwalayan ang sumunod na balita. Ang dahilan ay hindi malinaw.

Bagay na bagay pa naman sila. Isang hunk at isang super sexy. Pero ang totoo ay matagal na silang magkaibigan bago pa sila naging mag-syota. Kaya marami sa malalapit nilang kaibigan ang nagulat din noong napabalita na sila na nga. Kumbaga hindi talo, kasi tropa. Pero ayon sa tsismisan sa kanto, mas pinahalagahan ng dalawa ang friendship nila at hindi rin magkatagpo ng panahon nila sa sobrang busy nila sa kanilang career, kaya’t naputol agad ang relasyon nila.

Pangalawang balitang hiwalayan ay tungkol kina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Marami din ang nagulat, kasi wala man lang narinig na ugong bago lumabas ang balitang hiwalayan. Dapat magdidiwang na sila ng ikalawang taon ng love affair nila. Marami makakating dila ang nagtatanong kung ano ang naging dahilan ng breakup nila.

Pero katulad sa case nila Derek at Cristine, hindi rin direkta ang sagot ng dalawang kampo. Ang hiling lang ni Luis, bigyan na lang sila ng privacy.

Subalit sa kampo naman ni Jennylyn, ang kanyang manager na si Beck Aguila ang kinumpirma sa balita nahiwalay na nga ang dalawa. At dagdag pa niya, “right now in pain ang singer-actress ng Kapuso network.” Kaloka, di ba? Sayang, everybody thought sila na nga, kaso nauwi din sa hiwalayan.

At heto mainit-init pa, mas mainit pa sa kapeng hinihigop natin tuwing umaga. Ito ang diumano’y hiwalayan nila Phil Younghusband at Angel Locsin.

Ang mga fans ng dalawa ay nagtatanong kung totoo ang balita na ito. Kung totoo, nakakalungkot. Marami pa naman may gusto sa kanila kasi pareho silang humble at matulungin sa mga kababayan ng nangangailangan.

Gumawa pa naman ng surprise birthday party si Angel noon Agusto para kay Phil. Mismo ang best friend kong si Jenette Policarpio ang nag-organize ng nasabing event. Nagkwento pa nga ito na sobrang saya daw ni Phil sa sorpresang ginawa sa kanya ni Angel.

Kaya nakakagulat kung totoo ito. Sa ngayon wala pa naman kumpirmasyon mula sa kampo ng dalawa. Sana hindi totoo. [box type=”default” size=”large”] Freddie Aguilar’s 16-year-old girlfriend [/box]Heto ang isa bomba: Ang confirmation ng legendary music icon na si Freddie Aguilar, 60 years old, sa relasyon niya sa kanyang 16-year-old girlfriend. Naging usap usapan ito kahit saan — sa antayan ng jeep, sa mahabang pila sa MRT at sa police camp kung saan nakakulung si Janet Napoles.

Freddie Aguilar Girlfriend
Image Source: pinoyrapradio.com
Anyway, samu’t sari ang naging reaction tungkol dito. Ang typical reaction ng mga senior citizen, “Dyos ko, por santo!” Tila ang ibig sabihin nila ay hindi nila tanggap. Ang comment naman ng mga kabataan, “Anong nangyari?” Tila ang ibig sabihin nila ay hindi naman sa ayaw, pero ikanagulat nila.

Pero ang sabi ng maga tao na may parehong situation na malaki ang agwat ang edad sa kanilang mga kasintahan, “Tanggapin na lang, tunay naman silang nagmamahalan.”

Pero ang importante sa lahat ay reaction ng mga pamilya nilang dalawa. Parehong kampo naman ang nagsabing tanggap nila ang relasyon ng dalawa. Kaya’t tikom na lang ang bibig natin sa isyung ito. Okay?

Hayaan na lang natin si Ka Freddie na nagpasikat na kantang “Anak” noong dekada ’70. Kung masaya siya, let it be.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here