Coco Martin at Mateo Guidicelli
Image source: Internet

Grabe ito! For the first time sa history ng Star Magic Ball may dalawang nag-jumbagan (suntukan) na Kapamilya stars. Ang dalawang ito ay sina Coco Martin at Matteo Guidicelli.

Ito ngayon ang usap-usapan ng mga tsismosang waitresses sa mga karinderia.

Nagpang-abot diumano ang dalawang gwapong actor sa bar ng Manila Peninsula Hotel sa Makati kung saan ginanap ang nasabing big event ng Kapamilya Network.

Hindi pa malaman kung ano ang pinag-awayan ng dalawa, pero may mga nagsasabi na malamang tungkol ito kay Maja Salvador. Alam naman ng lahat na si Maja ang naka-love team ni Coco sa kanilang matagumpay na teleserye na “Minsan Lang Kitang Iibigin.”

At si Matteo daw naman ang real-life partner ni Maja.

Bago pa lumaki ang gulo, pumasok ang ABS-CBN management sa gusot. At naglabas agad ng statement: “What happened was just a simple misunderstanding. Both Coco and Matteo are sorry that it happened. Everything has  been resolved.” Pero, syempre ang mga tsismosa ay hindi mapakali at gusto pa rin nilang malaman ang tunay na dahilan.

Nawa’y maliwanagan ang issue na ito para sa kapakanan ng mga tagasubaybay ng dalawang gwapong actor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here