Image Source: abs-cbnnews.com
Image Source: abs-cbnnews.com
Hindi pa man nakaka-alagwa si Claudine Barretto sa kasong isinampa niya laban sa estranged husband niya na si Raymart Santiago, eh kinasuhan naman siya ng dati niyang personal assistant (PA) na si Dessa Patilan, 19 years old. Ang kaso ay theft, at ito’y naka-file sa Marikina Prosecutor’s Office.

Ayon sa sinumpaan salaysay ni Patilan, pinagbintangan siya ng actress na nagnakaw ng kanyang mga alahas at mamahaling gamit na nagkakahalaga ng P8.5 million. Inimbestigahan siya sa mismong bahay ni Claudine na may kasamang ilang pulis. Hinalughug ang bahay nito upang hanapin ang diumano’y nawawalang mga gamit ng actress.

Ipanikita lahat ng PA ang kanyang mga gamit. May nakita sa kanyang pera na P10,700, isang tablet na worth P3,000 at four gigabytes na memory card worth P500.

Nang wala makitang gamit ng actress sa kanya, kinuha ng kampo ni Claudine ang nasabing pera at gamit niya, at kinulong pa siya. Noong pang buwan ng May nakapiit ang PA.

Nang makatanggap ng affidavit si Claudine ukol sa kasong ito, nagulat ang actress. Ang mga lawyers na nagre-represent sa dati niyang PA ay hindi basta-bastang mga abogado. Sila’y dekampanilya at kasama sila sa Siguion-Reyna & Associates.

Alam niyang malapit sa kanyang ang nakakatandang kapatid na si Gretchen Barretto sa nasabing law office. Naisip ng kampo ng actress kung paano na-afford ang dating PA ang serbisyo ng matitinik na lawyers. Suspetsa nila na si Claudine na may nagpi-finance dito.

Nang makuha ang side ng law office, inamin nila na kaibigan nila si Gretchen Barretto, at si Gretchen mismo ang nag-endorso para hawakan nila ang kaso.

READ:  Claudine at Gretchen, peace na!

Pero niliwanag nila na tinanggap nila ang kaso dahil naniniwala sila na may “injustice” na nangyari. At pro bono o walang bayad ang pag-handle nila sa kaso.

[box type=”default” size=”large”] Wally Bayola in sex scandal [/box]Pinagpiyestahin sa internet ang sex video involving Wally Bayola. Nakakalungkot na malaman natin na ang isang kilalang komedyante ang masangkot sa napakamalaswang scandal.

Image Source: entervrexworld.wordpress.com
Image Source: entervrexworld.wordpress.com
Mukha niya talaga ang nandoon sa sex video.

Siguro matatanggap pa ng mga tao kung isang bold star ang involved sa ganitong issue dahil medyo hindi na ito nakakagulat.

Pero si Wally ay hindi bold star. Siya’y isang komedyante na mainstay ng kilalang noontime show na “Eat Bulaga,” isang TV program na pampamilya ang tema.

Dahil sa iskandalo, palagay ko mahihirapan ng ibalik ni Wally ang kanyang dating wholesome image. Siya pa naman din ay pamilyadong tao.

Dalawang buwan na siya naka-leave sa “Eat Bulaga” mula ng pumutok ang sex scandal. Kasama sa video ang isa sa mga dancers ng nasabing show. Tikom ng bibig ng mga kasama niya sa trabaho ukol sa scandal.

Buti na lamang pumutok ang pork scam case ni Janet Lim-Napoles, at natabunan ang issue kay Wally.

Bilang manunulat, hindi ko alam kung paano pa maibabalik ni Wally ang image niyang pangpamilya. Malaking pagkakamali ang kanyang nagawa, at marahil ito na ang katapusan ng career niya sa showbiz.