Claudine Barreto

Maraming natuwa sa mga labanderang tsismosa sa balitang bati na ang magkapatid na si Claudine at Gretchen Barreto. Naganap ang reconciliation during Claudine’s birthday noong July 20 (kasabay ng birthday ng husband niya si Raymart Santiago).

Heto na daw ang pinakamagandang birthday gift na natanggap niya. Hindi na raw niya hahayaang muli magkaroon sila ng hidwaan ng kanyang nakakatandang kapatid.

Nagsimula magkaroon nang hindi pagkakaunawaan ang dalawa nang lumipat si Clau sa GMA7 mula sa ABS-CBN. Matatandaan natin na dapat silang dalawa ang gaganap sa lead roles sa toprated teleserye ng Dos na “Magkaribal” sa primetime, subalit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang management ng Dos at si Clau. Dahil dito, natuloy ang pag-over the bakod niya sa Kapuso at naiwan ang ate niya sa Kapamilya. At si Bea Alonzo ang gumanap sa dapat na role niya. Dito nagsimula ang tampuhan nila.

Masaya ang multi-awarded actress sa muling pagbabati nila at hindi na niyang hahayaan magkahiway sila ng ate niya. Kung kaya’t nagdiriwang ang mga labanderang tsismosa sa development na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here