Asiong Salonga - Manila Kingpin
Asiong Salonga - Manila Kingpin Poster

Tinawag na dark horse ang pelikulang “Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga” sa nagdaang Metro Manila Film Festival (MMFF) contest. It turned out na ang prediction ay tama:  Humakot ang pelikula ng 11 awards sa recent MMFF Awards Night.

Ito’y  tinanghal na Best Picture. Second Best Picture ang “Enteng ng Ina Mo” at third ang “Shake, Rattle & Roll 13.” Humanga ang mga press people sa magandang kalidad ng “Manila Kingpin…” The producer and the lead actor sa nasabing pelikula ay si ER Ejercito, kasalukuyang gobernador ng Laguna. Maski ito’y hindi colored movie dahil ang istorya ay base sa tunay na mga pangyayari noong 1940s at 950s, makinis at pulido kinalabasan, kaya ito rin ay ang nakakuha ng Best Cinematography, Best Screenplay at Best Editing awards.  Mahusay talaga ang kinuha ni Gov ER na post-production house, ang Welovepost. Kaya congrats kay Jason Cahapay, Ryan Orduna, Macis Yu, Dams Yu, Pedring Lopez at Maia Yambao Lopez.

Maski sikat na sikat na artista ang mga gumanap sa pelikula, hindi matatawaran ang galing sa pag-arte ng mga lead actors na sina  John Regala, bilang kontrabida, na ginawaran ng Best Supporting Actor award. Kasama rin rito ang mga award-winning actors na si Baron Geisler at Yul Cervo.

Marami ang humamga sa lakas ng loob ng grupong ito. After a  long time, ngayon lang nagpalabas uli ng action movie ang industriya. Nais umano ng mga action stars sa pangunguna ni Governor Ejercito na ibalik muli ang sigla ng action movies. Nawa’y magsilbing inspirasyon ito sa mga producers na gumawa ng ganitong klaseng pelikula uli.

Nasa sa pang 7th place lamang ang pelikula pagdating sa tickets sales, pero dahil sa mga parangal na nakamit nito siguradong magkakaroon ng interes ang mga manonood sa nasabing pelikula.

Kaya, mabuhay ang mga action movies!