Image Source: showbiz-portal.com
Image Source: showbiz-portal.com
Hindi na naman nagtagumpay si Robin Padilla sa pagkuha ng US visa dahil sa na-deny na naman ang kanyang application. Ang dahilan pa rin ay ang criminal record na illegal possession of firearms.

Nakailan beses na rin siyang sumubok sa pagkuha ng US visa subalit palaging bigo ang aktor. Ang pakay ng actor sa pagpunta sa US ay samahan ang misis niyang si Mariel Rodriguez para bisitahin ang ama nito na dadaan sa heart surgery.

At bukod ditto, hindi pa pala nakikilala ng personal ni Robin ang biyenan niyang lalaki at nais din niyang pormal hingin ang kamay ng anak nito.

Nang hingan ng reaksyon ang aktor ng “Aksoyon” ng TV5 ukol dito, heto ang sinabi niya, “Kay Uncle Sam, ako naman ay may dugong Amerikano, intindihin mo naman ako, wala naman akong binabalak na gagawin masama sa America. I love America, God bless America.”
[box type=”default” size=”large”] Mother Lily nagtampo kay Marian Rivera [/box]Nagtampo pala ang kilalang producer na si Mother Lily kay Marian Rivera dahil diumano’y sa pagtanggi ng Kapuso Primetime Queen sa paggawa ng movie project na makakasama niya sana si Judy Ann Santos para sa Regal Films. Ang movie ay entry sana sa darating na Metro Manila filmfest sa taong ito.

Pero nagkaayos naman agad ang dalawa ng magkita sila sa isang presscon tungkol sa pelikulang “My Lady Boss” na pinangunguhan ni Marian Rivera at Richard Gutierrez with Regal Films and GMA Films as co-producers. At nagkapaliwanagan ang bawat kampo pati na rin ang kampo ni Juday.

Nais pala ng kampo ni Marian na makagawa ng solo project. Pero hindi ibig sabihin na tumanggi siya sa project inaalok sa kanya na kasama pa niya ang Teleserye Queen. Para matapos ang issue, sabi ng ginagalang ng producer,“Past is Past. Let’s be together. Let’s work in harmony.”
[box type=”default” size=”large”] ‘Jacob’ ang bagong endorser ng Bench [/box]Ang usap-usapan ng mga kababaihan at lalo na ng mga kaibigan natin bading ay ang bagong endorser ng Bench apparel na pagmamay-ari ni Ben Chan. Ang new endorser ay si Taylor Lautner.

Si Taylor lang naman ang gwapong wolf sa “Twilight Saga” at mas kilala sa kanyang character role na Jacob sa top-grosser film na ito.

Nakipag-pictorial ang kilalang Hollywood actor para sa Bench na isang Filipino-made brand. Kaya malapit ng ilagay sa malalaking billboard sa lasangan sa buong kaymanilaan ang picture ng hunky at poging actor.

At isa pa sa mga inaabangan ng mga fans ni “Jacob” ay ang pagdalaw niya sa Pilipinas. Wala pa man balita ukol ditto, pero lahat ng naging foreign endorser ng “Bench” ay iniimbitahan at pumupunta dito sa Pilipinas. Kasama ditto sila Bruno Mars, Adam Levine ng Maroon 5 at ang Korean heartthrob na si Lee Min Ho.

Kaya sa ngayon, maraming fans ni “Jacob” ang excited at umaasa na makita siya ng personal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here