Hello, mga readers! Unang-una, nais kong batiin ang Filipino Star News: “Happy 4th Anniversary!” Parang kailan lang, apat na taon na pala ang dyaryong kinagigiliwan ninyo. Maraming salamat po sa lahat ng naniniwala sa dyaryong ito. Congratulations po sa pamunuan ng Filipino Star, specially sa aking tatay, Tony, at kuya, Percy.

Sa balitang showbiz, mayroon tayong maraming hitik na tsismisan ngayon.[box type=”default” size=”large”] Anne Curtis nalango sa alak [/box]

anne curtis nagwala
Image Source: entertainment.inquirer.net

Usap-usapan ngayon si Anne Curtis ang mga pasahero ng mga jeep na naipit sa teribleng trapik at sa mga mahahabang pila sa terminal ng shuttle bus. Maraming ang na-shock sa tsismis na to.

Hindi rin naman agad pinaniwalaan ng marami ang diumano’y pagwawala ni Anne sa isang pangmayaman na club sa Taguig City. Ito’y dahil sa mga nakalipas na taon talaga naman naging matunog ang pangalan ng multi-talented aktres.

Lalo pang yumabong ang kasikatan niya ng napasama siya sa programang, “It’s Showtime” ng ABS-CBN, bilang isa sa mga host. At dito lalo siyang napalapit sa mga masang Pilipino.

Sumunod na napansin ang galing niya sa pag-arte sa mga blockbuster movies niya. At ng dahil sa naging magandang public image ni Anne, maraming mga multinational companies ang kumuha sa kanya para i-endorso ng produkto nila.

Kaya noong pumutok ang tsismis na ito, marami ang nagtatanong kung totoo. Nangyari ito ng noong madaling araw ng Nov. 23 sa Prive Luxury Club sa Taguig, pero halos isang linggo ang nakalipas ang nasabing insidente bago lumabas sa media. May mga pinagsasampal diumano ang aktres at nagsalita pa ng hindi kanais-nais sa mga tao na nandoon sa club ng dahil daw sa pagkalango niya sa alak.

READ:  Golden Globe award for Derrick Monasterio

Subalit ang maganda dito ay hindi naman itinanggi ni Anne ang nasabing pangyayari. Nagpakatotoo siya, ngunit hindi na niya dinetalye ang insidente. Nanghingi siya ng paumanhin sa mga taong na-involve at pati na rin sa mga fans niya.

Ang isa sa may-ari ng club na si JM Rodriguez ay nagsabing wala ng issue sa kanila ang kanyang kaibigan na si Anne. At sinabi pa niya: Ang club nila ay isang private club, kaya kung ano naman ang nangyari sa loob ng club ay confidential.

Ang importante ay ang nagkaayos-ayos na ang mga taong involved. Kaya dapat itigil na natin ang mga negative comment tungkol kay Anne.[box type=”default” size=”large”] On the sudden death of actor Paul Walker [/box]Maraming Filipino, lalaki man o babae, ang nagulat sa balitang sa biglang pagpanaw ni Paul Walker. Mapapatigil ka sa ano naman ang ginagawa kung narinig mo ang malungkot na balita na ito, lalong-lalo na kung nagustuhan mo ang movie na “The Fast and The Furious.”

Marami pala talagang tagahanga ang Hollywood actor na Filipino. Lalo pa siyang napamahal sa mga Filipino sa ginawang fund-raising para sa mga biktima ng typhoon Yolanda bago ito madisgrasya.

Sumikat si Paul sa pelikulang tungkol sa magagarang at mabibilis na sasakyan. Ang irony ay dito din siya nabawian ng buhay. Maraming nanghinayang sapagkat 40 years old palang siya. Kasalukuyang ginagawa ang “The Fast and The Furious 7.” Dahil sa biglaan pagkamatay niya, itinigil ang shooting. Ngunit itutuloy din ito bilang tribute para kay Paul.[box type=”default” size=”large”] Richard G. ‘di nag-renew ng contract sa GMA 7 [/box]Hindi na nag-renew ng kontrata si Richard Gutierrez sa GMA 7, ang kanyang home studio, ng matapos ang kontrata niya nitong 2013. Ngunit sa ngayon may mga ginagawa pa siyang pelikula under GMA7 films.

READ:  Revilla’s speech is like a movie script

Wala pa siyang exclusive contract with any TV network. Matagal-tagal na rin natin hindi nakikita sa television ang hunk actor mula noon nagbakasyon siya. Ngunit huwag malungkot ang mga fans ni Richard dahil sa makakasama siya sa family reality show na “It Takes Guts To Be a Gutierrez” ng TV5. Kwento tungkol sa pamilyang Gutierrez ang mapapanood natin sa show na ito.

Lumipat na rin ang kanyang kakambal na si Raymond Gutierrez sa Kapatid Network. Pero, maraming mga fans ni Richard ang naghahangad na sana siya’y lumipat sa ABS-CBN. Sabi nila na posibleng mabigyan siya ng break sa ABS-CBN katulad ng dating Kapuso actor na si Paulo Avelino na ngayon ay sikat na sikat dahil sa mga magagandang role na naiibigay sa kanya.[box type=”default” size=”large”] Bubuhayin ni Willie ang kanyang show [/box]Sa mga fans ni Willie Revillame, mag-abang lang kayo sapagkat nag-announce ang multi-millionaire host ng pagbabalik ng show siya sa 2014. Ngunit hindi pa rin niya sinasabi kung saan network ito lalabas.

Usap-usapan na sa ABS-CBN uli ipapalabas, subalit pinabulaan ito ng Kapamilya network President Charo Santos na nagsabi na siya’y happy sa performance ng “It’s Showtime.” Kung sa GMA7 naman, malabo kasi nandoon ang long-time running noontime show na “Eat Bulaga.” Kaya marami ang nag-aabang kung saan network ipapalabas.