A Secret Affair
A Secret Affair

Patok na patok sa takilya ang ‘A Secret Affair,’ ang movie nila Anne Curtis, Andi Eigenman at Derek Ramsay na produced ng Viva Films. Tumabo sa takilya ang pelikula maski hindi binanggit ang pangalan ni Derek sa pagpropromote nito sa shows ng Kapamilya network.

Kumita ang movie ng 100 million pesos sa loob lamang ng anim na araw.

Bongga talaga! At bongga rin talaga ang career ngayon ng multi-talented actress na si Anne dahil kahit anong gawin niyang project ay  tinatangkilik ng ating mga kakabayan.

Kakaiba ang plot ng storya nito compared sa ‘No Other Woman,’ ang box office hit din na pelikula nila Anne at Derek at kasama si Cristine Reyes.

Pero tungkol pa rin sa pagtataksil ang central theme. Iba lang ang plot ng pelikula, kaya maganda. Dahil  sa naging huge success ng movie, magkakaroon ito ng international screening isa iba’t ibang bansa, especially sa America.[box type=”default” size=”large”] Derek’s new girl [/box]Heto pa ang isang tsika na hindi ninyo dapat ma-miss: May bago na rin girl si Derek Ramsay. Isa siyang non-showbiz kung kaya’t nakiusap ang hunk actor sa media na bigyan na lang ito ng privacy.

Kasi nga naman, noong sila ni Angelica Panganiban ang magkasintahan, kaunting kembot lang nila nasa pahayagan na. Nawalan talaga sila ng privacy.

Kaya’t hinihiling ni Derek na huwag na pag-usapan ang love life nila dahil gusto nilang ma-enjoy ang mga moments nila in private.

Ano kaya ang reaction ni Angelica? Malamang deadma, kasi may John Lloyd na siya.[box type=”default” size=”large”] Kris, nai-promote si Derek sa Dos [/box]Heto ang nakakalokang tsismis. Ukol pa rin sa issue na bawal banggitin ang pangalan ni Derek Ramsay sa shows ng ABS-CBN. Ito’y dahil sa paglipat ng actor sa TV5.

Nabanggit pala ni Kris Aquino ang name ni Derek sa show niyang ‘Kris TV.’ Naikwento niya sa programa niya na nanood siya ng premiere night ng ‘A Secret Affair.’ At pinuri pa niya sina Derek, Anne Curtis at Andi Eigenman sa magandang pagganap nila dito.

Hindi yata aware ang Queen of Talk Shows sa utos ng home studio niya tungkol sa ban kay Derek.

Nasita kaya ang kapatid ng pangulo ng Pilipinas tungkol dito? Nagtatanong lang po.[box type=”default” size=”large”] Sharon, magsasalita ukol sa KC-Piolo split [/box]Grabe ito: Hindi pa rin matapos-tapos ang controversy tungkol sa KC-Piolo Pascual split.

Sa ngayon, mayroon “warla” (gay linggo for war) ang mga fans nina Piolo Pascual at Sharon Cuneta. May word war sa twitter ang kanilang mga fans.

Nagbanta ang batikang actress na pag hindi tumigil ang mga fans ng matinee idol, eh, baka mapilitan siyang sabihin ang tunay na rason sa paghihiwalay ng dalawa.

Matatagal na daw siyang nag-kikimkim ng sama ng loob kasama ang asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan at si KC ukol dito.

Nakuh, Mega, ano ba yang ibubulgar mo? Na-eexcite kami! I-gora (gay linggo for ‘go’) mo na kaya yan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here